Thursday, September 9, 2021

Paano ako nagsimula sa Travel Agency Business?


          Hello! Kumusta ka? Maraming Salamat sa pagbisita mo ah. Tag-lish ko nalang para marami-rami akong ma-kwento.  😇😇 Pero bago simulan ang lahat, sana okay na okay ka at ng mga mahal mo sa buhay, grabe noh? Andaming plans na nasira, at hindi natuloy. Dami rin nangyari na di natin aakalain, nandyan yung meron tayong mga kaibigan, kamag-anak, kapitbahay na bigla nalang kinuha ni Lord dahil sa tinamaan ng Covid, yung iba naman nawalan ng trabaho, yung iba naman na-stress, na-depress, let's pray lang at magtiwala lang tayo kay Lord na sana maging new normal na ang lahat at maka-recover at makapasimula ulit tayo. 

        Sa page na ito, kwento ko kung paano ba ako nagsimula bilang isang Travel Agent. At syempre, konting storya muna. 

     Isa akong OFW sa bansang Thailand na na-apektuhan din ng Pandemya, hindi na ako nagrenew ng aking kontrata kasi gusto ko na mag-settle talaga sa Pinas at magtrabaho sa private school na pwedeng tumanggap sa akin. By the way, isa akong Foreign English Teacher/Academic Supervisor sa isang International Christian School sa malayong probinsya sa Thailand.

     Sa halos 3 taon ko bilang teacher, super saya sa feeling na nakakapag-provide ka para sa family mo. At sobrang mahal ko ang trabaho ko, I don't care sa kung ga'no ako katagal sa school basta matapos ko ang trabaho ko, napasok ako ng 5:30am or bago mag 6:30am dun na ako para i-play ang worship songs at nagkakape (almusal) hehe at nauwi naman ako ng 5,6,7pm minsan inaabot na ng hatingggabi o madaling araw pagka may mga conference at school events, lahat yun ay FREE Overtime.  Ang goal ko kasi that time, gusto ko bilang teacher makapagbigay ako ng knowledge, quality education at maging successful sila in the future, at the same time may tiwala at takot kay Lord. 

        Strict akong teacher (lalo na sa academic performance nila, uniform, late students, assignments, projects, cleanliness at gusto ko rin organized at maging disiplinado ang mga students ko). 


       Moving forward, April 2020, naka-plan na lahat lalo na't kasama ako sa 2nd batch ng mare-repatriate mula Thailand to Philippines, nag-stay muna kami ng ilang weeks sa Philippine Embassy sa Bangkok habang inaantay pa ang iba at ang flight namin at super thankful kami kasi provided nila lahat mula pagkain at shelter. 

        May 14, 2020 ng flight namin pa-Pinas na sobrang nakaka-kaba kasi may Covid at baka isa samin ang magpositive, edi lalo pang magtatagal, halos naka-2 months din kaming Quarantine kung bibilangin. 

     Noong natapos ko na ang 15 days Home Quarantine ko sa pinakuha ako ng Certificate, patunay na tapos na nga at sobrang saya  ko kasi tapos na makakalabas na, tapos biglang nag -ECQ/MECQ haha kainis noh? 

          Habang nakaupo ako samin, nagpe-Facebook, may nakita akong post about sa "Gusto mo bang Kumita Online haha, "Start your own Travel Agency for only P2,500 lifetime access", "No minimum sales, No quota". "Be your own Boss". Unang basa ko, syempre Travel Agency yun at hindi lang basta basta, tsaka linyahan ng MLM/Networking Company eh, yun ang mga ayaw ko. So, triny ko nagmessage at inask ko lahat for clarification at make sure na ako talaga at kikita talaga siya in the future. *Pero bago yan nasa online selling na ako at delivery. 

        Halos 2 days din kami magka-chat nung owner nug post, at satisfied nga ako sa sagot niya, so nag isip na ako ng name at ask ng suggestions sa iba, unang nakapasok sa list ko ay "DestinAsia Travel Agency", at yung napili nga ay Soar Flight Travel Agency, kasi may deep meaning siya written from the Bible. 

      Up to this time, slowly nakaka-recover ang business, and Thank to God kasi Business Registered na siya except lang sa Mayor's Permit (yun nalang ang kulang) may problem kasi kami sa titulo ng house namin kaya yun muna ang inaayos, dahil sa apektado rin kami road widening at kalahati nalang ng bahay ang matitira sa amin. 

  • Brgy Business Permit
  • DTI Permit
  • Barangay Micro Business Enterprise - Certificate of Authority
  • BIR Business Permit

        Praying na sana sa susunod na taon may makapagrenew na lahat at maging maayos na ulit. Wala rin ako alam sa business na ito, nagtiyaga at sinikap lang talaga na aralin at umattend ng mga Webinars/Seminars mula sa iba't ibang agency (public man or private).

  • DTI-Laguna
  • DTI -NCR
  • TBO Academy
  • ASEAN SME Academy
  • HP Life
  • Institute of Global Professionals
  • Australian-ASEAN Hospitality and Tourism
  • One Education
  • PayHip
  • American Society of Travel Advisors
  • BIR Webinars
  • at marami pang iba.
        Sobrang thankful din ako dahil may mga na-meet ako na nasa Travel  & Tourism Industry na, at kapwa ko Travel Agents na nagmo-motivate at tumutulong magbigay ng knowledge nila about sa business. 


@ San Pedro, Laguna with the owner of Lavbelscape Travel Services

@ SM Calamba with the Owner of Filipijnse Travel Consultancy Services-Laguna Branch